Isinalin ng: Rebolusyonaryong Grupo ng mga Komunista — Pilipinas
Ang rebolusyong ng 1905 ay sumulpot hindi lang bilang “pangkalahatang paghahanda” ng 1917, kundi, ito rin ang naging laboratoryo kung saan ang lahat ng batayang grupo ng pampulitikang buhay ng Rusya ay nabuo at ang lahat ng tendensya at kulay sa loob ng Marxismong Ruso ay nabuo. Sa kaloob—looban ng mga argumento at pagkakaiba, hindi man banggitin, ay ang katanungan hinggil sa makasaysayang katangian ng Rebolusyong Ruso at ang hinaharap na kurso ng pag—unlad nito. Ang tunggalian ng mga konsepto at mga pagtingin na iyan ay walang direktang kinalaman sa talambuhay ni Stalin, na hindi naman pinalahok ang sarili sa mga ito. Ang iilan na propagandistang artikulo na kanyang sinulat sa usaping iyan ay hindi kinakitaan ng kahit ano mang teoretikal na interes. Maraming mga Bolshebik na humawak ng panulat na nagpopularisa ng mga kahalintulad na palagay, ay naihapag pa ito sa mas maayos na paraan. Anumang mapanuring eksposisyon ng mga rebolusyonaryong konsepto ng Bolshebismo ay natural na kabilang sa talambuhay ni Lenin. Subalit ang mga teorya ay may kanya—kanyang kinahihinatnan. Bagamat sa panahon ng Unang Rebolusyon at kinalaunan, maging sa katapusan ng 1923, sa panahon ng pagpapaliwanag at pagsasalin ng mga rebolusyonaryong doktrina, ay wala kahit ano pa mang independenteng posisyon si Stalin, biglang nagkaroon ng pagbabago ito noong 1924, na nagbukas sa panahon ng burukratikong reaksyon at radikal na pagbabalik tanaw ng nakaraan. Ang sine ng rebolusyon ay pinalabas ng pabaliktad. Ang mga lumang doktrina ay sinalang sa bagong ebalwasyon o hindi kaya’y sa bagong interpretasyon. Kaya naman, kahit hindi inaasahan sa biglang tingin, ang atensyon ay nabaling sa konsepto ng “permanenteng rebolusyon” bilang pangunahing pinanggagalingan ng kasinungalingan ng “Trotskyismo”. Sa maraming taon na darating, ang kritisismo ng nasabing konsepto ang pangunahing nilalaman ng lahat ng teoretikal — sit venio verbo — na sulatin ni Stalin at ng kanyang mga kasapakat. Simula sa teoretikal na antas ang bawat maliit na punto ng “Stalinismo” ay lumabas mula sa kritisismo ng teorya ng permanenteng rebolusyon ayon sa pagkakabuo nito noong 1905, ang pagpapaliwanag ng nasabing teorya, ng mga Menshebik at Bolshebik, ay malinaw na kasama sa librong ito, kahit man lang bilang apendiks.
Ang pag—unlad ng Rusya una sa lahat ay kapansin—pansin sa pagka—atrasado nito. Subalit ang pagka—atrasado sa kasaysayan ay hindi nangangahulugan ng pagsunod sa naging kurso ng mga maunlad na bansa isang daan o dalawang daan—taong pagkahuli. Kundi, ito ay nagpasulpot sa napaka—iba na “pinagsanib” na sosyal na pormasyon, kung saan ang pinaka—maunlad na naabot ng mga kapitalistang teknika at istruktura ay nakapaloob sa mga sosyal na relasyong pyudal at bago mag—pyudal na barbarismo. Katulad din ito ng mga ideya. Dahil na rin sa mismong istorikal na pagkahuli nito, naipakita ng Rusya na ito lang ang natatanging bansa na Europeo kung saan ang Marxismo, bilang doktrina, at ang Sosyal—Demokrasya, bilang isang partido, ay nakaranas ng matinding pag—unlad kahit bago pa man ang burgis na rebolusyon — at natural lamang, sapagkat ang problema ng relasyon sa pagitan ng pakikibaka para sa demokrasya at ang pakikibaka para sa sosyalismo ay dumaan sa pinaka—matinding teoretikal na pag—aaral sa Rusya.
Ang mga ideyalistikong demokrata — na ang karamihan, ay Populista — ay kinatatakutang huwag kilalanin ang sumusulong na rebolusyon bilang isang burgis na rebolusyon. Tinatawag nila itong “demokratiko”, sa pagsisikap na itago sa ilalim ng nyutral na pulitikal na katawagan — hindi lang sa iba, kundi maging mismo sa kanila — ang sosyal na nilalaman nito. Subalit si Plekhanov, ang nagtatag ng Marxismong Ruso, sa kanyang pakikipaglaban sa Populismo, ay pinakita na noon pang ika—walumpu ng nakaraang siglo na ang Rusya ay wala kahit ano pa mang dahilan na umasa sa mga nararapat na paraan ng pag—unlad; na, katulad ng mga “lapastangang” bansa, ay kinakailangan nitong dumaan sa purgatoryo ng kapitalismo; at sa mismong daanang ito, kanyang aagawin ang pampulitikal na kalayaan, na ganap na kakailanganin sa patuloy na paglaban para sa sosyalismo ng proletaryado. Hindi lamang hiniwalay ni Plekhanov ang burgis na rebolusyon, bilang kagyat na tungkulin, mula sa sosyalistang rebolusyon, kung saan kanya namang inilagay sa malabong kinabukasan, subalit kanyang nakita ang mga magkaka—ibang kombinasyon ng mga puwersa para sa bawat isa sa kanila. Kukunin ng proletaryado kasama ang liberal na burgesya ang pampulitikang kalayaan, pagkatapos, makaraan ang maraming dekada, sa isang mas mataas na kapitalistang pag—unlad, itutuloy ng proletaryado ang sosyalistang rebolusyon na direktang kakalabanin ang burgesya.
“Sa intelektwal na Ruso ...,” sinulat ni Lenin sa pagtatapos ng 1904, “mukhang palagian na lang na para makilala ang ating rebolusyon bilang burgis ay nangangahulugan na gawin itong walang kulay, na ipahiya ito, na bastusin ito ... Ang pakikibaka para sa pulitikal na kalayaan at sa demokratikong republika sa burgis na lipunan para sa proletaryado, ay isa lamang sa kinakailangang hakbang sa pakikibaka para sa rebolusyong sosyal.” “Ang mga Marksista ay buong—buo na kumbinsido,” kanyang sinulat noong 1905, “ng burgis na katangian ng Rebolusyong Ruso. Ano ang ibig sabihin niyan? Ibig sabihin, ang mga demokratikong transpormasyong yaon ... na naging kailangang—kailangan sa Rusya, ay hindi lamang nangangahulugan para sa mga ito mismo ng pagpapahina sa kapitalismo, ang pagpapahina ng dominasyon ng burgesya, kundi, sa kabaliktaran, ang mga ito ang mga unang hakbang upang hawanin ang lupa para sa malawakan, isang Europeo at hindi isang Asyatiko, na pag—unlad ng kapitalismo; ang mga ito ang mga unang hakbang upang maging posible ang paghahari ng burgesya bilang isang uri ...” “Hindi tayo puwedeng tumalon ng labas sa burgis—demokratikong balangkas ng Rebolusyong Ruso,” kanyang iginiit, “subalit maari nating mas mapalawak pa ang balangkas niyan — ito ay, ang, pagbubuo sa ilalim ng burgis na lipunan ng mga mas paborableng kondisyon para sa karagdagang pakikibaka ng proletaryado. Hanggang sa ganyang lawak sinundan ni Lenin ang mga yapak ni Plekhanov. Ang burgis na katangian ng rebolusyon ang pagtatagpo ng krus na landas ng Rusong Sosyal—Demokrasya.
Sa ilalim ng mga ganitong mga sirkumstansya natural lamng na sa kanyang propaganda hindi na dapat nakipagsapalaran si Koba na lagpas sa mga popular na tuntuning iyon na nagbuo ng kumon na kinagisnan ng mga Bolshebik at mga Menshebik. “Ang Konstituwent na Asembliya, na hinalal sa batayng unibersal, pantay, direkta at lihim na pagboto,” kanyang sinulat noong Enero 1905, “ay siya dapat nating ipaglaban sa ngayon! Ang ganyang asembliya lamang ang magbibigay sa atin ng isang demokratikong republika, na kailangang—kailangan natin sa ating pakikibaka para sa sosyalismo.” Ang burgis na republika bilang larangan ng isang matagalang tunggalian ng mga uri para sa sosyalistang layunin — iyan ang perspektiba. Noong 1907, iyan ay, matapos ang hindi mabilang na mga diskusyon sa dayuhan at sa Petursbug na press, at matapos ang marubdob na pagpapatunay ng mga teoretikal na pag—aaral ng mga karanasan ng Unang Rebolusyon, sinulat ni Stalin: “Na ang ating rebolusyon ay burgis, na ito ay dapat magtapos sa pagwasak ng serfdom at hindi ng kapitalistang kaayusan, na ito ay maaari lamang koronahan ng isang demokratikong republika — nang dahil diyan, kung titingnan, lahat sa ating Partido ay sumasang—ayon.” Si Stalin ay hindi nagsasalita sa kung paano uumpisahan ang Rebolusyon, kundi, kung paano ito magtatapos, na nilimitahan na ito bago pa man, at wari ay kinategorya na lamang, sa “tanging isang demokratikong republika.” Walang saysay na tayo ay maghanap sa kanyang mga sulatin noong mga araw na iyon ni kahit katiting na pahiwatig tungkol sa perspektiba ng sosyalistang rebolusyon kaugnay sa demokratikong insureksyon.. Iyan ay mananatiling posisyon niya hanggang sa umpisa ng Rebolusyon Pebrero ng 1917, hanggang sa mismong pagdating ni Lenin sa Petrograd.
Para kina Plekhanov, Axelrod, at mga lider ng Menshebismo sa pangkalahatan, ang karakterisasyon ng rebolusyon bilang burgis ay, higit sa lahat, ang pulitikal na halaga ng pag—iwas sa wala sa panahong pangungutya sa burgesya ng pulang multo ng sosyalismo ng ang kahihinatnan ay ang “pagkatakot nito papalayo” tungo sa kampo ng reaksyon. “Ang mga sosyal na relasyon ng Rusya ay nahinog lamang para sa burgis na rebolsuyon,” sabi ni Axelrod, ang pangunahing taktisyan ng Menshebismo, sa Kongreso ng Pagkakaisa. “Habang ang pangkalahatang pulitikal na pagkakagulong ito ay nagpapatuloy, hindi natin dapat ni banggitin man lang ang direktang paglaban ng proletaryado sa ibang uri para sa pulitikal na kapangyarihan ... Ito ay makikibaka para sa kondisyon ng burgis na pag—unlad. Ang mga nakalapat na kondisyong istorikal ay nagtatadhana sa ating proletaryado sa hindi maiiwasang pakikipag—tulungan sa burgesya sa pakikibaka laban sa kapwa nating kalaban.” Ang nilalaman kung gayon ng Rusong Rebolusyon ay kinupot bago pa man sa mga pagbabago na tumutugma sa mga interes at pananaw ng liberal na burgesya.
Ito ang umpisa para sa batayang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang paksyon. Mapangahas na tinanggihan ng Bolshebismo na kilalanin na ang Rusong burgesya ay may kakayanang gamitin ang sarili nitong rebolusyon. Sa hindi masusukat na mas malakas na puwersa at katatagan kaysa kay Plekhanov, isinulong ni Lenin ang agraryong kuwestyon bilang sentral na problema ng demokratikong rebolusyon sa Rusya: “Ang krus ng Rebolusyong Ruso ay ang agraryong (lupa) kuwestyon. Kailangang magdesisyon ang ating mga isip sa pagkatalo o pagtatagumpay ng rebolusyon ... sa batayan ng pagpapahalaga para sa kondisyon ng mga masa sa kanilang pakikibaka para sa lupa.” Nakiki—isa kay Plekhanov, itinuturing ni Lenin ang pesante bilang isang peti—burgis na uri at ang programa ng lupa sa pesante ay ang programa ng burgis na progresibismo. “Ang nasyonalisasyon ay isang burgis na hakbangin,” pilit niya sa Kongreso ng Pagkakaisa. “Ito ay magbibigay ng sigla sa kapitalismo sa pamamagitan ng pagpapatindi ng tunggalian ng uri, sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mobilisasyon ng lupa at ng puhunan sa agrikultura, sa pamamagitan ng pagpapababa ng presyo ng granyo.” Sa kabila ng pag—amin sa burgis na karakter ng agraryong rebolusyon, ang burgesyang Ruso gayon pa man ay laban sa ekspropriasyon ng lupa na pag—aari ng mga panginoong maylupa, at sa dahilang iyan, ay kumikilos para sa isang kompromiso sa monarkiya sa batayan ng isang konstitusyon na gaya sa modelong Pruso. Para sa Plekhanobistang ideya ng unyon sa pagitan ng proletaryado at burgesya, inihapag ni Lenin ang ideya ng unyon ng proletaryado at pesante. Kanyang prinoklama ang tungkulin ng rebolusyonaryong kolaborasyon ng dalawang uring ito bilang pagtatatag ng isang “demokratikong diktadurya,” bilang tanging paraan para sa radikal na pagpupurga ng Rusya ng pyudal na basura nito, na makagagawa ng malayang uri ng mga magsasaka at magbubukas para sa pag—unlad ng kapitalismo na ginaya sa Amerikano at hindi sa Prusong modelo.
Ang tagumpay ng rebolusyon, kanyang sinulat, ay matatamo “lamang sa pamamagitan ng diktadurya, dahil ang realisasyon ng mga transpormasyon na kaagad—agad at ganap na kinakailangan para sa proletaryado at pesante ay tatawag ng desperadong paglaban ng mga panginoong maylupa, ng mga malalaking burgesya, at ng Tsarismo. Kung walang diktadurya, magiging imposible na mabali ang paglaban na nabanggit, magiging imposible na matalo ang mga kontra—rebolusyonaryong pagsusumikap. Hindi nito makakayang alisin (nang walang buong serye ng mga tagapamagitan na baitang sa rebolusyonaryong pag—unlad) ang mga pundasyon ng kapitalismo. Sa pinakamagaling, maaari nitong maumpisahan ang radikal na re—distribusyon ng pag—aari ng lupa para sa kapakinabangan ng pesante, isulong ang isang matatag at kompletong demokratisasyon, kasama na ang republika; bunutin ang lahat ng mapang—api na Asyatikong karakteristiko sa buhay ng pabrika gayon na rin sa mga nayon; ilatag ang mga simula ng mga mahahalagang pagpapahusay sa kondisyon ng mga manggagawa pataasin ang kanilang batayan ng pamumuhay; at ang pinakahuli, subalit hindi ang pinaka—maliit, dalhin ang rebolusyonaryong apoy sa Europa.”
Ang konsepto ni Lenin ay naghahapag ng matinding hakbang ng pagsulong, na sumusunod, na ginagawa na nito, mula sa agraryong rebolusyon at hindi mula sa mga repormang konstitusyonal bilang sentral na tungkulin ng rebolusyon, at nagpapahiwatig ng tanging makatotohanang kombinasyon ng mga sosyal na puwersa na maaaring gumampan sa mga nasabing tungkulin. Ang kahinaan sa konsepto ni Lenin ay ang mismong magkabangga na nosyon, “ang demokratikong diktadurya ng proletaryado at pesante.” Binigyang—diin mismo ni Lenin ang mga batayang limitasyon ng naturang “diktadurya” ng hayagan niya nitong tawagin na burgis. Kaya naman kanyang pinahihiwatig na, para sa kapakanan ng pagmamantina ng pakikipag—kaisa sa pesante, maoobliga ang proletaryado na ipagpaliban muna ang pagpapahayag ng direkta ng mga sosyalistang tungkulin sa panahon ng paparating na rebolusyon. Subalit maaaring mangahulugan ito ng pagbalewala ng proletaryado ng sarili nitong diktadurya. Kaya naman ang diktadurya sa esensya ay, diktadurya ng pesante, bagamat ang mga manggagawa ay lalahok rito. Sa ilang mga pagkakataon, sa ganyang paraan mismo kung paano magsalita si Lenin; halimbawa, sa Kongreso ng Stockholm, nang siya ay sumagot kay Plekhanov, na nagrebelde laban sa “utopia” ng pag—agaw ng kapangyarihan: “Anong programa ang pinag—uusapan natin? Tungkol sa agraryong programa. Sino sa programang iyan ang dapat na aagaw ng gubyerno? Ang rebolusyonaryong pesante. Napaghahalo ba ni Lenin ang gubyerno ng proletaryado sa gubyerno ng pesante?” Hindi, aniya sa kanyang sarili: matalas na pinag—iiba ni Lenin ang sosyalistang gubyerno ng proletaryado at ang burgis—demokratikong gubyerno ng pesante. “At paano ang isang matagumpay na pesanteng rebolusyon magiging posible,” sigaw niya ulit, kung walang pag—agaw ng kapangyarihan ng rebolusyonaryong pesante?” Sa polemikal na pormulasyong iyan ni Lenin malinaw na malinaw na nabunyag ang bulnerabilidad ng kanyang posisyon.
Ang pesante ay nakakalat sa ibabaw ng napakalawak na bansa, na ang lugar ng mga ugnayan ay ang mga siyudad. Sa pamamagitan nito, ang pesante ay hindi kakayanin kahit na ang pagbubuo ng sarili nitong interes, dahil sa bawat rehiyon ang mga ito ay magkakaibang sumusulpot. Ang mga pang—ekonomiyang ugnayan sa pagitan ng mga probinsiya ay naitatag ng mga pamilihan at daang—riles; subalit ang pamilihan at ang mga daang—riles ay nasa kamay ng mga siyudad. Sa pagsusumikap nitong makakawala sa mga hangganan ng nayon at kulumpunin ang kanilang mga interes, ang pesante ay kinakailangang pumailalim sa pulitikal na pag—asa sa siyudad. Hindi rin magkakapareho sa sosyal na mga relasyon nito ang mga pesante: ang kulak na istratum nito ay natural na kumikilos upang makipagkaisa sa burgesya sa siyudad, samantalang ang mga nakabababang istrata ng nayon ay nahahatak patungo sa direksyon ng mga manggagawa sa siyudad. Sa ilalim ng mga ganitong mga kalagayan, ang pesante sa pangkalahatan, ay walang kakayahan na hawakan ang timon ng gubyerno.
Totoo, sa lumang Tsina ang mga rebolusyon ang naglalagay sa pesante sa kapangyarihan, o manapa ay, ang mga militar na pamunuan ng mga pesanteng insureksyon. Ang mga ito ay tumutungo tuwina sa redibisyon ng mga lupa at pagtatatag ng isang panibagong dinastiyang “pesante,” matapos nito ang kasaysayan ay mag—uumpisang na namang muli: bagong konsentrasyon ng mga lupa, bagong aristokrasya, bagong usurya, mga bagong pag—aalsa. Hangga’t ang rebolusyon ay pinananatiling ganap ang pesanteng katangian nito, ang lipunan ay hindi makakawala mula sa walang katapusang pagpapaikot—ikot nito. Ganyan ang batayan ng lumang Asyatiko, kabilang ang lumang Ruso, na kasaysayan. Sa Europa, simula sa pagsulpot ng Middle Ages, ang bawat matagumpay na pag—aalsang pesante ay hindi naglalagay ng isang pesanteng gubyerno sa kapangyarihan kundi isang Maka—Kaliwang burgher na partido. Sa mas eksakto, ang isang pesanteng pag—aalsa ay mapapatunayan na matagumpay lamang sa lawak ng nagawa nito upang mailagay sa posisyon ang rebolusyonaryong sektor ng populasyon ng siyudad. Ang pag—agaw ng kapangyarihan ng isang rebolusyonaryong pesante ay hindi mangyayari sa ika—dalawampung siglong Rusya.
Kaya naman ang palagay tungo sa liberal na burgesya ang naging pangunahing usapin sa pagkakaiba sa pagitan ng mga rebolusyonista at mga oportunista sa hanay ng mga Sosyal—Demokrata. Gaano kalayo ang maaaring maabot ng Rebolusyong Ruso, ano ang karakter na maaaring itangan ng panghinaharap na probisyunal na rebolusyonaryong gobyerno, ano ang mga tungkulin ang maaari nitong harapin, at sa paanong kaayusan maaaring ayusin ang mga ito — ang mga katanungang ito ay maaari lamang mailagay ng tama sa pangkalahatang kahalagahan ng mga ito sa pamamagitan lamang ng pagsasaalang—alang sa batayang katangian ng mga pulitika ng proletaryado, at ang katangiang iyan ay nakabatay, higit sa lahat, sa relasyon nito sa liberal na burgesya. Pinatunayan at mahigpit na isinara ni Plekhanov ang kanyang mga mata sa saligang aral ng ika—labing—siyam na siglo ng kasaysayang pulitikal: saan mang panahon na ang proletaryado ay lumitaw na independenteng puwersa, ang burgesya ay tumutungo sa kampo ng kontra—rebolusyon. Mas mapangahas na pakikibaka ng mga masa, mas mabilis na reaksyonaryong pagbabago ng liberalismo. Wala pa ni isa ang naka—imbento ng paraan para pigilan ang mga gawa na batas ng tunggalian ng mga uri.
“Kailangang pangalagaan natin ang suporta ng mga di—proletaryong partido,” nakaugalian nang inuulit ng Plekhanov sa pagitan ng mga taon ng Unang Rebolusyon, “at hindi sila matulak papalayo sa atin ng kawalan ng asal na pagkilos. Sa ganitong nakapang—hihinawa na pag—momoralisa ipinapakita ng paham ng Marxismo na hindi niya kayang gagapin ang mga buhay na dinamiko ng lipunan. “Ang kawalang—asal” ay maaaring magtulak papalayo ng isang manaka—naka at sobrang sensitibong intelektwal. Subalit ang mga uri at mga partido ay nahahaltak o napapalayo ng kanilang mga sosyal na interes. “Maaari nating ligtas na sabihin,” sagot ni Lenin kay Plekhanov, “na ang mga liberal sa mga panginoong maylupa ay patatawarin ka sa milyon—milyong “walang—asal” na aksyon, subalit hindi nila patatawarin ang mga pag—uudyok para agawin ang kanilang mga lupa.” At hindi lamang ang mga panginoong maylupa: ang nasa ibabaw na burgesya, na nakatali sa mga nagmamay—ari ng lupa sa pamamagitan ng pagkilala sa interes ng pag—aari at sa mas malapit, sa pamamagitan ng sistemang bangko, kasama na rin ang mga nasa ibabaw na peti—burgesya at mga intelektuwal, na sa material at moral ay naka—asa sa mga malaki at pang—gitna na nagmamay—ari, kinatatakutan ang independenteng kilusan ng mga masa. Subalit upang maibagsak ang Tsarismo, kinakailangang pukawin ang hindi mabilang na milyong inaapi para sa isang magiting, nagpapakasakit sa sarili, pabigla—bigla, kataas—taasang rebolusyonaryong paglusob. Ang mga masa ay maaring mapukaw sa ganitong pag—aalsa sa ilalim lamang ng bandila ng sarili nilang mga interes; mula rito, sa ilalim ng hindi mapag—kasundong salungatan tungo sa mapagsamantalang mga uri, at una sa lahat, ang mga panginoong maylupa. Ang “pagkatakot papalayo” ng oposisyonal na burgesya mula sa rebolusyonaryong pesante at mga manggagawa samakatuwid ay nilalaman mismo ng batas ng rebolusyon at hindi maaaring mapigilan ng “maayos na asal ng pakikitungo” o ng diplomasya.
Sa bawat bagong buwan ay kumumpirma sa tantiya ni Lenin sa liberalismo. Sa kabila ng magiliw na pag—asa ng mga Menshebik, ang mga kadet ay hindi lamang hindi gumalaw upang pangunahan ang “burgis” na rebolusyon kundi, sa kabaliktaran, unti—unting natagpuan ang kanilang makasaysayang misyon na labanan ito. Matapos ang nakadudurog na pagkatalo ng Insureksyong Disyembre, ang mga liberal, na kung saan, salamat sa pansamantalang Duma, ay umakyat sa ibabaw ng pampulitikang entablado, kumilos ng kanilang buong lakas upang magpaliwanag sa monarkiya sa kanilang kakulangan ng aktibong kontra—rebolusyonaryong pag—asal noong tag—lagas ng 1905, nang ang pinaka—sagradong haligi ng “kultura” ay nasa panganib. Ang pinuno ng mga liberal, na si Milyukov, na gumawa ng mga sub rosa (pailalim) na negosasyon sa Palasyo ng Taglamig, ay may katumpakang nakipag—talo sa press na sa pagdating ng dulo ng 1905 hindi nagawa ng mga Kadet ang kahit man lang magpakita sa mga masa. “Sa mga naninisi ngayon sa (Kadet) partido,” kanyang sinulat, “sa hindi pagpo—protesta noon, sa sa pagpapatawag ng mga pulong, laban sa mga rebolusyonaryong ilusyon ng Trotskyismo ... ay hindi simpleng maintindihan o hindi matandaan ang mga nangingibabaw na nararamdaman sa hanay ng demokratikong publiko na dumalo sa mga pulong na ito.” Sa “ilusyon ng Trotskyismo” ang ibig ipakahulugan ng pinuno ng liberal ay ang independenteng patakaran ng proletaryado, na naghatak sa mga Sobyet ng simpatya ng mga nakabababang uri sa mga siyudad, mga sundalo, mga pesante, at lahat ng mga inaapi, na naghiwalay sa “matinong” lipunan. Ang ebolusyon ng mga Menshebik ay umunlad sa kaparehong linya. Paulit—ulit na sila’y kailangang magdahilan sa mga liberal sa pagkaka—tuklas ng kanilang mga sarili sa iisang bloke na kasama si Trotsky matapos ang Oktubre, 1905. Ang paliwanag ng may talento na taga—limbag ng mga Menshebik, na si Martov, ay tumungo sa ganito — na iyon ay kailangan upang makagawa ng mga konsesyon sa mga “rebolusyonaryong ilusyon” ng mga masa.
Sa Tiplis, ang mga pampulitikang grupo ay nabuo rin sa parehong batayan ng mga prinsipyo ng tulad ng sa Petersburg. “Ang pagwasak ng reaksyon,” sulat ng pinuno ng mga Kawkasyang Menshebik, na si Jordania, “ang pagpapanalo at pagkakamit ng konstitusyon — ay magmumula sa mulat na pagkakaisa at nag—iisang pagtingin sa direksyon ng lahat ng puwersa ng proletaryado at burgesya ... Totoo, ang peasante ay mahahatak sa kilusang ito at palalakasin ito sa katangiang kahalintulad ng isang likas na puwersa; gayunpaman, ang dalawang uring ito ang gaganap ng mapagpasyang papel, samantalang ang kilusang pesante ang magbubuhos ng tubig sa kanilang gilingan. Pinagtatawanan ni Lenin ang pag—aalangan ni Jordania na ang hindi pakikipag—kasundo na patakaran tungo sa burgesya ay maaaring magpako sa mga manggagawa sa kawalang magawa. “Tinalakay ni Jordania ang katanungan ng posibleng pagkahiwalay ng proletaryado sa demokratikong insurekyon at kalimutan ... ang pesante! Sa mga posibleng alyado ng proletaryado, kanyang kinilala at nagbigay—lugod sa mga panginoong maylupa ng mga konseho ng bayan subalit hindi niya kinilala ang mga pesante. At iyan ay sa Kawkasus!” ang sagot ni Lenin, na sa esensya ay tama, ay sobra namang pinasimple ang katanungan sa isang banda. Hindi “kinalimutan” ni Jordania ang pesante, at, makikita mismo sa ipinahihiwatig ni Lenin, hindi ito maaaring makalimutan sa Kawkasus, kung saan noong mga panahong iyon ay tila bagyong lumabas sa ilalim ng bandila ng mga Menshebik. Subalit tinitingnan ni Jordania ang mga pesante hindi bilang pulitikal na alyado kundi bilang pulitikal na pang—bangga, na, maaari at kailangang gamitin ng burgesya laban sa proletaryado. Hindi siya naniniwala na ang mga pesante ay maaaring maging pangunahin o kaya naman ay maging isang independenteng puwersa ng rebolusyon, at diyan hindi siya nagkamali; subalit hindi rin siya naniniwala na ang proletaryado ay kayang makuha ang tagumpay ng pag—aalsang ng pesante sa papel nito bilang pinuno — at iyan ang kanyang malaking pagkakamali. Ang ideya ng Menshebik na unyon sa pagitan ng proletaryado at burgesya ay nangangahulugan sa aktwal ng pagpapa—ilalim ng mga manggagawa ganoon na rin ng mga pesante sa mga liberal. Ang reaksyonaryong utopyanismo ng programang iyan ay nagmumula sa katotohanan na ang matagal nang pagkakahati—hati ng mga uri ay pumilay sa burgesya sa umpisa pa bilang isang rebolusyonaryong salik. Sa pundamental na katanungang iyan ang Bolshebismo ay tama: ang paghahanap ng unyon sa liberal na burgesya ang puwersa na nagtutulak sa Sosyal—Demokrasya tungo sa kampo na laban sa rebolusyonaryong kilusan ng mga manggagawa at pesante. Noong 1905 ang mga Menshebik ay nagkulang lamang ng lakas ng loob upang makuha ang lahat ng kinakailangang aral mula sa kanilang teorya na “burgis” na rebolusyon. Noong 1917, sa pagsunod sa kanilang ideya hanggang sa mapait katapusan, nabali ang kanilang mga leeg.
Sa katanungan kung ano ang magiging pananaw tungo sa mga liberal, pumanig si Stalin kay Lenin sa panahon ng mga taon ng Unang Rebolusyon. Kailangang banggitin na sa mga panahong iyon, ng ang katanungan ay ang oposisyunistang burgesya, kahit ang mayorya ng mga may ranggo at ang mismong hanay ng kasapian ng mga Menshebik ay natagpuan ang mga sarili na mas malapit pa kay Lenin kaysa kay Plekhanov. Ang mapanghamak na pagtingin sa mga liberal ang naging literal na tradisyon na ng intelektwal na radikalismo. Subalit walang saysay para maghanap pa ng isang independenteng ambag si Koba sa nasabing katanungan, maging ito ay pagsusuri sa sosyal na relasyon sa Kawkasus o kaya naman ay mga bagong argumento, o kahit man lang mga bagong pormulasyon ng mga bagong argumento. Si Jordania, ang pinuno ng mga Menshebik sa Kawkasus, ay mas independente pang di—hamak kay Plekhanov kung ikukumpara si Stalin kay Lenin. “Walang saysay ang mga pagtatangka ng mga Ginoong Liberal,” sinulat ni Koba matapos ang Madugong Linggo, “na isalba ang nagpapasuray—suray nang trono ng Tsar. Walang saysay ang kanilang pag—aalok ng kamay ng tulong sa Tsar ... Oo, mga ginoo, walang saysay ang inyong mga pagsisikap! Ang Rebolusyong Ruso ay hindi mapipigilan, tulad ng hindi mapipigilang pagsikat ng araw! Kaya ninyo bang pigilan ang pagsikat ng araw? — iyan ang katanungan!” at kung ano—ano pa. Hindi na makalipad pa si Koba ng mas mataas pa diyan. Makalipas ang dalawa’t—kalahating taon, halos literal na inulit ang mga salita ni Lenin, kanyang sinulat: “Ang Rusong liberal na burgesya ay anti—rebolusyonaryo; hindi ito magiging elise, mas lalong na ang maging pinuno, ng rebolusyon; ito ang snumpaang kaaway ng rebolusyon; at laban rito isang tuloy—tuloy na pakikibaka ang dapat na mailunsad.” Dahil sa saligang paksa na ito si Stalin ay dumaan sa isang kumpletong metamorposis sa nagdaang sampung taon, kaya naman sinalubong niya ang Rebolusyong Pebrero ng 1917 bilang isang tagapag—tangkilik ng pakikipag—bloke sa liberal na burgesya, at sa pagsang—ayon diyan, bilang tagapag—pahayag ng pagsasanib ng mga Menshebik sa iisang partido. Si Lenin lamang, sa kanyang pagdating mula sa ibang bansa, ang tahasang tumapos sa independenteng patakaran ni Stalin, na kanyang tinawag na pangngutya ng Marxismo.
Tinitingnan ng mga populista ang lahat mga manggagawa at pesante bilang simpleng “nagpapakahirap” at “mga pinagsasamantalahan,” na parehong interesado sa sosyalismo, samantalang sa mga Marxista ang pesante ay isang peti—burgis na maaari lamang maging sosyalista kung siya ay, sa materyal at ispiritwal ay tumigil na sa pagiging pesante. Sa karakteristiko nilang may sentimentalidad, tinitingnan ng mga populista ang sosyolohikal na karakterisasyong ito bilang isang insulto sa mga pesante. Sa ganitong linya pinag—awayan sa nakaraang dalawang henerasyon ang pangunahing labanan sa pagitan ng dalawang rebolusyonaryong tendensya sa Rusya. Upang sa gayon ay maintindihan ang sumusunod na banggaan sa pagitan ng Stalinismo at Trotskyismo, kinakailangan na bigyang diin na, sang—ayon sa lahat ng Marxistang tradisyon, hindi tinuring ni Lenin ang pesante bilang isang sosyalistang alyado ng proletaryado; sa kabilang banda, ang sobra—sobrang pagpapahalaga sa pesante ang nagtulak kay Lenin sa pagpapasya na ang isang sosyalistang rebolusyon ay imposible sa Rusya. Ang ganyang ideya ay nagpapaulit—ulit lagi sa lahat ng kanyang artikulo na tuwiran o di—tuwirang nababanggit ang kuwestyong agraryo.
“Sinusuportahan namin ang kilusang pesante,” sinulat ni Lenin noong Septyembre, 1905, “hangga’t ito ay rebolusyonaryo at demokratiko. Tayo ay naghahanda (ngayon din, kaagad na naghahanda) para makibaka laban rito sakaling ipahayag nito ang sarili bilang isang reaksyonaryo anti—proletaryong kilusan. Ang buong esensya ng Marxismo ay nariyan sa dalawang tungkulin na nabanggit ...” Nakita ni Lenin ang proletaryado sa Kanluran at sa isang antas ang mga mala—proletaryo ng Ruson nayon bilang mga sosyalistang alyado, subalit hindi ang kabuuan ng pesante. “Sa umpisa, susuportahan natin hanggang sa dulo, sa lahat ng paraan, maging ang kumpiskasyon,” inulit niyang may pagpupumilit na tipikal na sa kanya, “ang pangkalahatang pesante laban sa may lupang kapitalista, at sa darating na panahon (at hindi lang sa darating na panahon, kundi sa oras ding iyon) susuportahan natin ang proletaryado laban sa pesante sa pangkalahatan.”
“Ang pesante ay mananalo sa isang burgis demokratikong rebolusyon,” kanyang sinulat noong Marso, 1906, “at sa gayong paraan, lubos na mauubos ang rebolusyonismo nito bilang pesante. Ang proletaryado ay mananalo sa isang burgis demokratikong rebolusyon, at sa gayong paraan mag—uumpisa pa lamang na talagang ihayag nito ang totoong sosyalistang rebolusyonismo.” “Ang kilusan ng pesante,” kanyang inulit noong Mayo ng taong ding iyon, “ay kilusan ng isa pang uri; ito ay isang pakikibaka hindi laban sa mga pundasyon ng kapitalismo kundi para sa kanilang pag—pupurga sa lahat ng tira ng serfdom.” Ang pananaw na iyan ay matatagpuan kay Lenin sa bawat artikulo, sa bawat taon, sa bawat tomo. Ang mga pananalita at mga halimbawa ay nag—iiba, subalit ang batayang pag—iisip ay hindi nababago. Kahit na ito ay bali—baliktarin pa. Kung nakita ni Lenin ang isang sosyalistang alyado sa pesante, hindi siya magkakaroon na kahit katiting na batayan upang igiit ang burgis na katangian ng rebolusyon, at limitahan ito sa “diktadurya ng proletaryado at pesante,” sa purong mga demokratikong mga tungkulin. Sa mga panahon kapag ako ay inaakusahan ni Lenin ng “pagmamaliit” sa pesante, wala sa isip niya ang aking pagkukulang na kilalanin ang mga sosyalistang tendensya ng pesante kundi ang aking pagkukulang na maintindihang maige, mula sa punto de bista ni Lenin, ang burgis—demokratikong independensya ng pesante, ang kakayanan nitong makagawa ng sarili nitong kapangyarihan at sa pamamagtan nito hadlangan ang pagtatatag ng osyalistang diktadurya ng proletaryado.
Ang muling ebalwasyon ng nasabing katanungan ay inumpisahan lamang sa panahon ng termidoryang reaksyon, inumipisahan lamang ito kasabay ng pagkakasakit at kamatayan ni Lenin. Magmula noon ang unyon ng Rusong manggagwa at pesante mismo ay idineklara bilang sapat na garantiya laban sa panganib ng restorasyon at isang mahigpit na pangako na ang sosyalismo ay maaaring maabot sa loob ng mga hangganan ng Unyon Sobyet. Sa pamamagitan ng ng pagpapalit ng teorya ng sosyalismo hiwalay na bansa para sa teorya ng internasyonal na rebolusyon, inumpisahan ni Stalin ang pagtawag sa Marxistang ebalwasyon ng pesante bilang “Trotskyismo,” dagdag pa, hindi lang ito ibinatay sa kasalukuyan kundi pati na rin sa buong nakaraang kasaysayan.
Kaya naman, ito ay, maaaring itanong kung ang klasikal na Marxistang pananaw hinggil sa pesante ay hindi napatunayang mali,. Ang tema ay magtutulak sa atin ng lagpas pa sa apendiks na ito. Sapat na sabihin para sa kasalukuyan na hindi inukol ng Marxismo ang absoluto at ang hindi nagbabagong katangian sa pagtantya nito sa pesante bilang isang uri na di—sosyalista. Sinabi ni Marx noon pa man na ang pewsante ay may kakayanan na maghusga pati na rin ang magtantya na maghusga. Ang mismong katangian ng pesante ay nabago sa ilalim ng nabagong kondisyon. Ang rehimen ng diktadurya ng proletaryado ay naka—diskubre ng mga napakagaling na mga posibilidad upang impluwensyahan ang mga pesante at muling—turuan ito. Ang kasaysayan ay hindi pa nasasagad ang pinaka—ilalim sa ganitong mga posibilidad. Subalit malinaw na ang lumalaking papel ng kompulsyong estado sa U.S.S.R., kung hindi pasisinungalingan, sa batayan ay nakumpirma ang mismong pananaw sa pesante na naghihiwalay sa mga Rusong Marxista at Populista. Subalit, ano man ang sitwasyong natamo nito ngayon, matapos ang humigit kumulang na dalawampung taon ng rehimen, ang katunayan ay nananatili na bago pa ang Rebolusyong Oktubre, o kaya’y bago ang taon ng 1924, wala ni isa sa Marxistang kampo, at higit sa lahat si Lenin, ay hindi tinuring ang pesante bilang salik sa sosyalistang pag—unlad. Kung wala ang tulong ng isang proletaryong rebolusyon sa Kanluran, lagi’t—lagi niyang inuulit, ang restorasyon ay hindi maiiwasan sa Rusya. Hindi siya nagkamali: ang Stalinistang burukrasya ay walang iba kundi ang unang hakbang ng burgis na restorasyon.
Ito ang mga magkakaibang posisyon ng dalawang pangunahing paksyon ng Rusong Sosyal—Demokrasya. Ngunit kasabay ng mga ito, simula pa lang ng bukang liwayway ng Unang Rebolusyon, isang pangatlong posisyon ang naibalangkas, na sinalubong ng halos walang pagkilala ng mga panahong iyon, subalit kailangan nating ipaliwanag — hindi lang dahil ito ay nagkumpirma ng mga pangyayari ng 1917, ngunit sa partikular ito ay sa kadahilanang pitong taon matapos ang Rebolusyon, matapos ito ay mabaliktad, ito ay nagsimulang nagkaroon ng isang hindi nakitang papel sa pulitikal na ebolusyon ni Stalin at ng buong Sobyet na burukrasya.
Noong simula ng 1905, ako ay naglathala sa Geneva ng isang munting aklat na sumusuri sa pulitikal na sitwasyon na umiral sa panahon ng tag—lamig ng 1904. dumating ako sa kongklusyon na naubos na ang mga posibilidad ng independenteng kampanya ng liberal na mga petisyon at handaan; na ang mga radikal na intelektwal, na ipinaling sa mga liberal ang kanilang mga inaasam, ay natagpuan ang kanilang mga sarili sa isang madilim na eskinita kasama ang huli; na ang kilusang pesante ay gumagawa ng mga kondisyon na paborable para magtagumpay ngunit hindi kayang siguruhin ito; na ang pagtutuos ay kailangan lamang mangyari sa pamamagitan ng armadong insureksyon ng proletaryado; na ang susunod kaagad na kinakailangang hakbang ay ang pangkalahatang welga. Ang munting aklat na tinawag na, “Hanggang sa Ika—Siyam ng Enero,” ay sinulat bago ang Madugong Linggo sa Petersburg. Ang malakas na alon ng mga strike na nagsimula ng araw na iyon, kasabay ng unang mga armadong sagupaan na sumuhay rito, ay malinaw na kompirmasyon ng estratehikong pag—aaral ng munting aklat.
Ang pambungad sa aking ginawa ay isinulat ni Parvus, isang dayuhang Ruso, na sa mga panahong iyon ay naging isa nang tanyag na manunulat. Si Parvus ay may isang pambihira na mapanlikhang pagkatao, may kakayahang mahawa sa mga ideya ng iba at mahawa ang iba sa kanyang mga ideya. Kulang siya sa panloob na pagbabalanse at paglalapat na kinakailangan upang makapag—ambag ng kahit ano na karapat—dapat sa kanyang talento bilang isang tagapag—isip at manunulat sa kilusang paggawa. Walang duda na nakapagbigay rin siya ng malaki rin naming impluwensya sa aking personal na pag—unlad, lalo na sa paraan ng sosyal—rebolusyonaryong pagintindi ng aming panahon. Ilang taon bago ang una naming pagkikita mapusok na ipinagtatanggol ni Parvus ang ideya ng pangkalahatang welga sa Aleman; subalit ang bansa ay dumaraan sa isang mahaba na industriyal na kasaganahan, ang Sosyal—Demokrasya ay ibinabagay pa ang sarili sa rehimeng Hohenzollern, at ang dayuhan na rebolusyonaryong propaganda ay sinalubong lang ng patalikod na panunuya. Matapos basahin ang aking munting—aklat sa sulat—kamay, mismong kinabukasan matapos ang madugong pangyayari sa Petersburg, pinuno ang pag—iisip ni Parvus sa natatanging papel na kinakailangang gampanan ng proletaryado ng atrasadong Rusya. Pinuno ang ilang araw na magkasamang ginugol sa Munich ng mga talakayan na naglinaw lalo para sa aming pareho at nagdala sa amin sa pagiging malapit sa personal. Ang paunang—sulat na sinulat ni Parvus sa munting—aklat ay permanenteng nailagay sa kasaysayan ng Rusong Rebolusyon. Sa ilang mga pahina nilinaw niya ang mga sosyal na pekularidad ng atrasadong Rusya na, tunay naman, na alam na alam na ang ito, subalit bago sa kanya ay wala pang nakagagawa ng lahat na kongklusyon na kinakailangan.
“Ang pulitikal na radikalismo sa buong Europa,” sinulat ni Parvus, “alam ng lahat, ay pangunahing nakabatay sa peti—burgesya. Ito ay mga artisano at sa pangkalahatan, ang lahat ng parte ng burgesya na tinamaan ng industriyal na pag—unlad, subalit kasabay nito ay isinasantabi ng uri ng mga kapitalista ... Ang mga siyudad sa Rusya ay umunlad sa Tsino at hindi sa Europeong modelo bago ang kapitalistang panahon. Ang mga ito ay ang mga administratibong sentro, na purong opisyal at burukratiko ang katangian, wala ni anumang kahalagahang pulitikal, subalit sa pang—ekonomiyang aspeto, ang mga ito ay mga pamilihan ng kalakal para sa panginoong maylupa at sa pesanteng naka—palibot rito. Ang kanilang pag—unlad ay wari ay napakaliit pa, ng ito ay tapusin ng kapitalistang proseso, na sinimulan ang pagtatayo ng mga malalaking siyudad sa sarili nitong imahe, iyon ay, mga pabrikang bayan at mga sentro ng pandaigdigang kalakal ... Kung saan pinigilan ang pag—unlad ng peti—burgis na demokrasya ay nakatulong sa maka—uring kamulatan proletaryado ng Rusya — ang mahinang pag—unlad ng artisanong porma ng produksyon. Ang proletaryado ay kaagad—agad na ikinonsentra sa mga pabrika ...
“Parami ng paraming masa ng mga pesante ang mahahatak sa kilusan. Subalit ang tanging magagawa lamang nilang lahat ay dumagdag sa pulitikal na anarkiya na nagkalat na sa bansa na nagpapahina naman sa gubyerno; hindi sila magiging isang siksik na rebolusyonaryong hukbo. Kaya naman, habang ang rebolusyon ay umuunlad, mas malaking sangkap ng pulitikal na gawain ang nakapatong sa balikat ng proletaryado. Kasabay nito, ang pulitikal na kaalaman nito ay mapapalawak at ang pulitikal na lakas nito ay unti—unting lalaki ...
“Kakaharapin ng Sosyal—Demokrasya ang ganitong suliranin: ang pagtangan ng responsibilidad para sa probisyunal na gubyerno o tumayong nakahiwalay sa kilusang paggawa. Itinuturing ng mga manggagawa ang gubyernong iyan bilang kanila, anuman ang magiging palagay ng Sosyal—Demokrasya ... Sa Rusya tanging ang mga manggagawa ang makagagawa ng rebolusyonaryong insureksyon. Sa Rusya, ang probisyunal na gubyerno ay magiging gubyerno ng demokrasyang manggagawa . Ang gubyernong iyan ay magiging Sosyal—Demokratiko, kung ang Sosyal—Demokrasya ay nasa unahan ng rebolusyonaryong kilusan ng Rusong proletaryado ...
“Ang Sosyal—Demokratikong probisyunal na gubyerno ay hindi magagawa ang isang sosyalistang insureksyon sa Rusya, subalit ang mismong paglusaw sa awtokrasya at ang pagtatatag ng isang demokratikong republika ang magbibigay rito ng matabang lupa para sa pulitikal na gawain.”
Sa kasagsagan ng mga rebolusyonaryong kaganapan, sa tag—lagas ng 1905, muli kong nakaharap si Parvus, sa pagkakataong ito sa Petersburg. Nananatiling independente sa dalawang paksyon, kapwa naming pinamatnugotan ang Russkoye Slovo (Ang Rusong Salita), isang diyaryo para sa masang uring manggagawa, at, sa pakikipag—kowalisyon sa mga Menshebik, ang importante na pulitikal na diyaryo Nachalo (Ang Simula). Ang teorya ng permanenteng rebolusyon ay karaniwang ikinakabit sa mga pangalan nina “Parvus at Trotsky.” Iyan ay bahagdan lamang na tama. Naabot ni Parvus ang pulitikal na pagkahinog sa pagtatapos ng nakaraang siglo, na minartsa niya sa unahan ang mga puwersa na lumalaban sa tinaguriang “Rebisyonismo,” s.e., ang oportunistikong distorsyon ng teorya ni Marx. Subalit ang kanyang mabuting pagpapalagay ay pinahina ng hindi pagtatagumpay ng kanyang pagsisikap upang maitulak ang Aleman na Sosyal—Demokrasya sa direksyon ng isang mas mapangahas na patakaran. Mas lalong naging mapaglaan si Parvus hinggil sa mga perspektiba ng isang sosyalistang rebolusyon sa Kanluran. Kasabay nito, naramdaman niya na “ang Sosyal—Demokratikong probisyunal na gubyerno ay hindi makagagawa ng sosyalistang insureksyon sa Rusya.” Kaya naman, ipinahihiwatig ng kanyang pasya, imbes na ang pagbabago ng anyo ng demokratiko tungo sa sosyalistang rebolusyon, tanging ang pagtatatag na lamang sa Rusya ng isang rehimen ng demokrasyang manggagawa, na nakasandal sa maka—magsasakang pundasyon, hindi na nangahas na lumabas sa mga hangganan ng burgis na rehimen.
Hindi ako nakikibahagi sa ganyang kongklusyon. Ang Australianong demokrasya, na nahinog sa mismong birheng lupa ng isang kontinente, na dali—daling ginampanan ang isang konserbatibong karakter at napangibabawan ang bata pa ngunit nakikinabang na proletaryado. Sa kabilang banda, ang Rusong demokrasya, ay maaari lamang mahinog sa bunga ng malakihang rebolusyonaryong insureksyon, kung saan, ang mga dinamiko nito ay hindi magbibigay sa gubyerno ng paggawa na manatila sa loob ng burgis na demokrasya. Ang mga pagkakaiba ng aming opinyon, na nagsimula pagkatapos na pagkatapos ng Rebolusyong 1905, ay tumungo sa ganap na paghihiwalay sa pag—uumpisa ng digmaan, ng si Parvus, kung saan ang pag—aalinlangan ay ganap na pumatay sa rebolusyonista, ay napatunayan na nasa panig ng imperyalismong Aleman at kasunod nito, ay naging taga—payo at taga—bigay sigla ng Unang Presidente ng Alemang Republika, na si Ebert.
Matapos isulat ang aking munting—aklat, “Hanggang sa Ika—Siyam ng Enero,” paulit—ulit kong binalikan ang pag—unlad at paglapat ng teorya ng permanenteng rebolusyon. Dahil sa kahalagahan na kasunod nitong natanggap sa intelektwal na ebolusyon ng bayani ng talambuhay na ito, kailangang ipakilala ito dito sa porma ng eksaktong sipi mula sa aking mga fgawa sa mga taon ng 1905 at 1906.
“Ang pinakasentrong populasyon sa isang kontemporaryong siyudad — sa pinakamaliit, sa isang siyudad na may pang—ekonomiko at pulitikal na kahalagahan — ay ang matinding pagkakaiba—iba ng uri ng mga upahang paggawa. Ito ang uri, na sa esensya ay hindi pa kilala sa Dakilang Rebolusyong Pranses, na nakatadhana na magkaroon ng mapagpasyang papel sa ating rebolusyon ... Sa isang mas atrasado na pang—ekonomiyang bansa ang proletaryado ay maaaring marating ang kapangyarihan ng mas maaga kaysa sa isang kapitalistang bansa na mas maunlad. Ang palagay ng isang klase ng awtomatikong pag—asa sa proletaryong diktadurya sa mga teknikal na lakas at pamamaraan ng isang bansa ay isang paunang—hatol na lubhang pinasimple na ‘ekonomikong’ materyalismo. Ang ganyang pananaw ay walang kinalaman sa Marxismo ... hindi isinasantabi ang katotohanan na ang mga produktibong puwersa ng industriya ng Estados Unidos ay sampung bese na mas malaki pa sa atin, ang pulitikal na papel ng Rusong proletaryado, ang impluwensya nito sa sariling bansa at ang posibilidad na maaari nitong maimpluwensyahan ang pandaigdigang pulitika sa nalalapit ay hindi mapapantayang mas malaki kaysa sa papel at kahalagahan ng Amerikanong proletaryado ...
“Sa aking pakiwari ang Rebolusyong Ruso ay makagagawa ng mga kondisyon na ang kapangyarihan ay maaari na (sa pangyayari na nagtagumpay, kailangan ) ipasa sa mga kamay ng proletaryado bago malaman ng lubos ng mga pulitiko ng burgis na liberalismona posibleng maihayag nila ang kanilang pagka—henyo sa pagpapatakbo sa estado ... Isusuko ng Rusong burgesya ang lahat ng rebolusyonaryong posisyon sa proletaryado. Kailangan rin nitong isuko ang rebolusyonaryong hegemonya sa pesante. Ang proletaryado na nasa kapangyarihan ay lalapit sa pesante bilang mapagpalayang uri ... Ang proletaryado, na nakasandal sa pesante, ay pakikilusin ang lahat ng puwersa para pataasin ang kultural na antas ng nayon at para paunlarin ang pulitikal ng kamulatan ng pesante ...
“Subalit maaari kayang itulak palayo ng pesante mismo ang proletaryado at halinhan ito? Iyan ay hindi mangyayari. Lahat ng karanasan sa kasaysayan ay pisasawalang—bisa ang kuro—kurong iyan. Ipinapakita nito na ang mga pesante ay walang kakayahan para sa isang independenteng pulitikal na papel ... Mula sa mga nabanggit malinaw kung paano ko titingnan ang ideya ng ‘diktadurya ng proletaryado at ng pesante.’ Ang punto ay hindi kung sa aking palagay ito ay katanggap—tanggap sa prinsipyo, kung ‘gusto’ ko o ‘hindi gusto’ ang ganyang porma ng pulitikal na kooperasyon. Sa palagay ko hindi ito makatotohanan — sa pinakamaliit, sa direkta at kagyat na pakahulugan ...”
Ang mga nauna ay nagpakita, kung gaano kamali ang sinasabi na ang kaisipang ipinapaliwanag, “ay tumalon ng lagpas sa burgis na rebolusyon,” na walang katapusan at sunod—sunod nang inuulit—ulit. “Ang pakikibaka para sa demokratikong pag—aayos ng Rusya ...” sinulat ko rin ng panahong iyon, “sa kabuuan nito ay kinuha mula sa kapitalismo, at kaagad—agad, una sa lahat , ay naka—direkta laban sa pyudal na mga basal na harang sa daraanan ng pagpapa—unlad sa isang kapitalistang lipunan.” Subalit ang sustansya ng katanungan ay sa kung anong mga puwersa at sa kung paanong mga paraan ang mga harang na ito ay maiigpawan. Ang balangkas ng lahat ng mga katanungan ng rebolusyon ay maaaring itakda sa asersyon na ang ating rebolusyon ay burgis sa obhetibong nitong layunin at susunod rito, ang lahat ng hindi maiiwasan na mga kahihinatnan nito, at kasabay nito ay maaaring isara ang mga mata ng isa sa katotohanan na ang pinakamahalagang aktibong puwersa ng naturang burgis na rebolusyon ay ang proletaryado, na tinutulak ang sarili patungo sa kapangyarihan kasama ang lahat ng bayo ng rebolusyon ... Maaaring aliwin ng isa ang kanyang sarili sa pagsasaalang—alang na ang mga sosyal na kondisyon ng Rusya ay hindi pa nahihinog para sa isang sosyalistang ekonomiya — at kasabay nito hindi mapansin ang palagay na, sa pag—agaw ng kapangyarihan, hindi maiiwasan ng proletaryado, kasama ang lahat ng lohika ng sitwasyong ito, ay itinutulak ang sarili tungo sa pamamahala ng ekonomiya sa ngalan ng estado ... papasok sa gubyerno hindi bilang mga walang magawang bihag kundi bilang nangungunang puwersa, ang kinatawan ng proletaryado sa bisa lamang niyan ay dudurugin ang pagkakaiba ng minimal at maksimal na programa, s.e., ilagay ang kolektibismo sa kautusan ng araw . Kung anong punto sa tendensyang iyan ang proletaryado ay mapipigilan, ay nakabatay sa pakikipag—relasyon sa mga puwersa, subalit siguradong hindi sa inisyal na iuntensyon ng partido ng proletaryado ...
“Subalit maaari na nating tanungin ang ating mga sarili ngayon pa man: kailangan ba na ang diktadurya ng proletaryado ay di—maiiwasang durugin ang sarili laban sa balangkas ng burgis na rebolusyon o maaari ba nito na, sa batayan ng umiiral na makasaysayang sitwasyon ng daigdig ay tumingin tungo sa perspektiba ng tagumpay matapos na durugin ang naglilimita na balingkas na ito? ... Isa lang ang maaaring sabihin ng may katiyakan: kung wala ang direktang suportang gubyerno ng Europeong proletaryado, ang uring manggagawa ng Rusya ay hindi kakayaning panatilihin ang sarili sa kapangyarihan at itransporma ang pansamantalang paghahari nito tungo sa isang matibay na sosyalistang diktadurya ...” Subnalit hindi ito kaagad nangangahulugan sa isang pasimistikong kongklusyon: “ang pulitikal na liberasyon, sa pangunguna ng uring manggagawa ng Rusya, ay magtataas sa lider sa sukdulan na hindi pa nagagawa sa kasaysayan, ihatid sa kanya ang mas malaking puwersa at kaparaanan, at gawin siyang tagapag—simula ng pandaigdigang paglulusaw ng kapitalismo, kung saan ang kasaysayan ay nagawa na ang lahat ng mga nilalayon na kaukulang pangangailangan ...”
Kung ang pag—uusapan ay ang usapin kung ang internasyonal na Sosyal—Demokrasya ay maipapakita ang kakayanan nito na gampanan ang rebolusyonaryong tungkulin, sinulat ko noong 1906: “Ang mga Europeong Sosyalistang partido — at sa pangunahin, ang pinakamalakas sa mga ito, ang Alemang partido — ay pinaunlad ang kanilang konserbatismo, na mas lalong lumalakas kaugnay sa laki ng mga masa na inakap ng sosyalismo at ang bisa ng organisasyon at ang disiplina ng mga masa. Dahil diyan, ang Sosyal—Demokrasya, bilang organisasyong kumakatawan sa pulitikal na karanasan ng proletaryado, sa isang bigay na sandali ay maaaring maging pangunahing balakid sa daan ng isang hayagang banggaan sa pagitan ng proletaryado at ng burgis na reaksyon ...” Subalit ipinasya ko sa aking pagsusuri na pinapahayag na “ang Silangang rebolusyon ay mahahawaan ang Kanlurang proletaryado ng rebolusyonaryong ideyalismo at mulatin ito sa paghahangad na mag—umpisang magsalita ng ‘Ruso’ sa kaaway nito ...”
Sa pagsusuma. Ang Populismo, tulad ng Slavopilismo, ay nagmula sa mga ilusyon na ang kurso ng pag—unlad sa Rusya ay magiging katangitangi, tatakasan ang kapitalismo at burgis na republika. Ang Marxismo ni Plekhanov ay naka—konsentra sa pagpapatunay na ang mukha sa prinsipyo ng kurso ng kasaysayan ng Rusya ay katulad sa Kanluran. Ang programa na umusbong mula riyan ay hindi pinansin ang lubos na katotohanan at malayo sa mga mistikang pekularidad ng sosyal na balangkas at rebolusyonaryong pag—unlad ng Rusya. Ang pananaw ng Menshebik na ang rebolusyon, na nilinis na sa mga episodikong isatratipikasyon at mga indibidwal na paglayo, ay nangangahulugan ng sumusunod: ang tagumpay ng Rusong burgis na rebolusyon ay maaari lamang sa ilalim ng pangunguna ng liberal na burgesya at kailangan na mailagay ang huli sa kapangyarihan. Matapos ito, ang demokratikong rehimen ay hahayaan ang Rusong proletaryado, na may di—maihahambing na mas malaking tagumpay kaysa sa nauna rito, na makahabol sa mga mas matandang kapatid nito sa Kanluran sa kalsada ng pakikibaka para sa sosyalismo.
Ang perspektiba ni Lenin ay maaaring ipaliwanag na maikli sa mga sumusunod na salita: ang atrasadong Rusong burgesya ay walang kakayanan na kumpletuhin ang sarili nitong rebolusyon! Ang ganap na tagumpay ng rebolusyon, sa pamamagitan ng pagpapagitan ng “demokratikong diktadurya ng proletaryado at pesante,” lilinisin ang kalupaan ng medibyalismo, bigyang kapangyarihan ang pagpapa—unlad ng Rusong kapitalismo na may Amerikanong indayog, palakasin ang proletaryado sa siyudad at nayon at gawing tunay na posible ang pakkibaka para sa sosyalismo. Sa kabilang banda, ang tagumpay ng Rusong rebolusyon ay magbibigay ng matinding tulak sa sosyalistang rebolusyon sa Kanluran, samantalang ang huli ay hindi lang magpro—protekta sa Rusya mula sa mga panganib ng restorasyon kundi maaari ring magdulot sa Rusong proletaryado na makarating sa pag—agaw ng kapangyarihan sa isang mas maikling panahon sa kasaysayan kung ikukumpara.
Ang perspektiba ng permanenteng rebolusyon ay maaaring sumahin sa mga sumusunod na mga paraan: ang ganap na tagumpay ng demokratikong rebolusyon sa Rusya ay maisasakatuparan lamang sa paraan ng diktadurya ng proletaryado, na nakasandal sa pesante. Ang diktadurya ng proletaryado, na di—maiiwasang ilagay bilang kautusan ng araw hindi lang ang mga demokratiko kundi pati na rin ang mga sosyalistang tungkulin, ay magbibigay rin ng isang makapangyarihang pagtulak sa internasyonal na sosyalistang rebolusyon. Tanging ang tagumpay ng proletaryado sa Kanluran ang magpro—protekta sa Rusya mula sa burgis n restorasyon at magsisiguro ng posibilidad nito ng pagkukumpleto ng pagtatatag ng sosyalismo.
Ang siksik na pormula ay inihahayagng mgay katulad na katiyakan ang pagkakapareho ng huling dalawa na konsepto sa kanilang di—mapagkakasundo na pagkakaiba mula sa liberal na Menshebik na perspektiba pati na rin ang kanilang lubha na mahalagang pagkaka—iba mula sa isa’t—isa sa katanungan ng sosyal na katangian at ang mga tungkulin ng “diktadurya” na kinakailangang tumubo mula sa rebolusyon. Ang hindi madalas na reklamo sa mga sulatin ng mga kasalukuyang Moskow na teoretisyan na ang programa ng diktadurya ng proletaryado ay “wala sa panahon” noong 1905, ay malayo na sa punto. Sa isang imperikal na pakalahulugan ang programa ng demokratikong diktadurya ng proletaryado at ng pesante ay napatunayan na pareho ring “wala pa sa panahon.” Ang di—paborableng kombinasyon ng mga puwersa sa panahon ng Unang Rebolusyon ay hindi man lang napigilan ang diktadurya ng proletaryado bilang tagumpay ng rebolusyon sa pangkalahatan. Ngunit ang lahat ng rebolusyonaryong grupo ay nakabatay sa pag—asa ng ganap na tagumpay; ang kataas—taasang rebolusyonaryong pakikibaka ay maaari na hindi naging posible kung wala ang ganyang pag—asa. Ang mga pagkakaiba ng opinion ay may kinalaman sa pangkalahatang perspektiba ng rebolusyon at ang estratehiyang lumitaw mula rito. Ang perspektiba ng Menshebismo ay mali sa kaibuturan: ito ay nagtuturo ng maling daan sa proletaryado. Ang perspektiba ng Bolshebismo ay hindi kumpleto: tama nitong itinuro ang pangkalahatang direksyon ng pakikibaka, pero mali ang karakterisasyon ng mga antas nito. Ang kakulangan sa perspektiba ng Bolshebismo ay hindi naging litaw noong 1905 sa kadahilanan lamang na ang rebolusyon mismo ay hindi na kayang dumaan pa sa karagdagang pag—unlad. Subalit sa umpisa ng 1917, naobliga si Lenin na baguhin ang kanyang perspektiba, na direktang bumangga sa mga matatandang kadre ng kanyang partido.
Walang pulitikal na pagtingin ang maaaring makapag—kunwari na ito ay matematikong eksakto; magiging sapat ito, kung tama nitong maipapakita ang pangkalahatang linya ng pag—unlad at makatulong na ibigay ang aktwal na kurso ng mga pangyayari, na hindi mapipigilang baluktutin ang pangunahing linya pakanan o pakaliwa. Sa ganyang pakahulugan imposibleng ito ay hindi makita na kumpletong naipasa ng konsepto ng permanenteng rebolusyon ang pagsubok ng kasaysayan. Sa panahon ng mga unang taon ng Sobyet na rehimen wala sinuman ang makapagpapa—sinungaling riyan; sa kabilang banda, ang katotohanang iyan ay nakakita ng pagkilala sa maraming opisyal na publikasyon. Subalit ng magbukas ang burukratikong reaksyon laban sa Oktubre sa mapayapa at matahimik na pang—ibabaw na balat ng Sobyet na lipunan, ito ay kaagad na idinirekta laban sa teoryang sumasalamin sa unang proletaryong rebolusyon ng mas kumpleto sa kahit ano pa man habang kasabay nitong hayagang ibinunyag ang di—tapos, limitado at di—ganap na katangian. Kaya naman, sa pamamagitan ng pagkasuklam, nagsimula ang teorya ng sosyalismo sa isang hiwalay na bansa, ang batayang dogma ng Stalinismo.